Mga kawani ng DepEd, makatatanggap ng P3,000 na bonus

by Radyo La Verdad | June 23, 2023 (Friday) | 2237

METRO MANILA – Makatatanggap ng tig P3,000 na bonus ang 958,000 na teaching at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd).

Bahagi ito ng selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng kagawaran ngayong araw ng Biyernes (June 23).

Ang mga eligible sa bonus ay yaong mga nakapagserbisyo sa kagawaran at least 1 taon mula sa petsa ng milestone year ng DepEd.

Ang milestone year ay ang ika-15 anibersaryo ng kagawaran at bawat ika-5 taon pagkatapos nito.

Tags: , ,