Nagsama-sama kahapon sa bahay alumni sa University of the Philippines ang mga kilalang kritiko ng administrasyong Duterte sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan.
Kabilang dito sina Senators Antonio Trillanes IV, Bam Aquino, Risa Hontiveros at mga nasa opposition bloc ng Kamara.
Dito muling binatikos ng grupo ang adminstrasyon sa mga kaso ng extra judicial killings (EJK), umano’y paglabag sa karapatang pantao sa paglulunsad ng war on drugs at iba pa.
Nanindigan ang mga ito na ilaban sa mga korte ang mga umano’y kaso human rights violation ng administration.
Samantala, dumalo rin sa pagtitipon si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Inihayag muli niya ang kaniyang sentimiyento kaugnay ng pagpapatalsik sa kaniya sa Korte Suprema sa pamamagitan ng quo warranto proceedings.
Ayon sa dating CJ, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na maiaakyat sa Senado ang kaniyang impeachment case.
Ang pahayag na ito ng dating chief justice ay sa kalagitnaan nang naiulat ng posibleng paglalabas ng desisyon sa susunod na linggo ng Korte Suprema sa motion for reconsideration nito sa quo warranto case.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: EJK, Kamara, opposition bloc