Mga kandidatong ipinadedeklarang nuisance candidate ng Comelec nanindigang hindi sila mga pang-gulo sa halalan

by Radyo La Verdad | November 5, 2015 (Thursday) | 1725

YGONIA
Nagtungo sa Commission on Elections si Romeo John Ygonia kahit hindi pa araw ng hearing sa reklamong isinampa laban sa kanya upang isumite ang sagot at ebidensya sa petisyon na ipinadedeklara siyang nuisance candidate.

Si Ygonia ay tatakbong pangulo at nanindigang kaya niyang makipagsabayan sa ibang kandidato.

Humarap naman sa pagdinig ang pambato sa pagkapangulo ng Partido Bagong Maharlika upang patunayang hindi siya nuisance o panggulo lamang sa halalan.

Ngunit ang isa sa hamon sa grupo ay ang hindi pag-accredit ng Comelec sa kanilang partido.

Humarap din sa hearing si Rizalito David.

Suhestyon naman sa Comelec ng isang kakandidatong senador upang maisama ang lahat ng naghain ng Certificate of Candidacy sa official list of candidates na hindi hahaba ang balota bigyan na lamang ng numero ang bawat kandidato.

Ngunit ayon sa Comelec sisikapin nitong matapos ngayong Nobyembre ang pagdinig sa mga petisyon ng dalawang Comelec Divisions nang sa gayon makapaglabas na ng official list of candidates sa December 10. (Victor Cosare / UNTV News)

Tags: ,