Mga kandidata ng Miss Global Philippines 2015, iprinisinta na sa media

by Radyo La Verdad | July 21, 2015 (Tuesday) | 1102

MS GLOBAL
Muli na namang nagkislapan ang mga ilaw ng kamera sa grand ballroom ng Hotel Rembrandt Quezon City matapos pormal na ipakilala ang 22 kandidata ng Miss Global Philippines 2015.

Ito ang ikalawang pagsasaentablado ng pinakabagong internationally-affiliated beauty pageant sa bansa na pumuwesto bilang 2nd runner-up ang ating kinatawan noong nakaraang taon na si Catherine Almirante.

Masayang ibinalita ng naturang reigning title holder na sa Pilipinas gagawin ang Miss Global 2015 International Pageant.

Ibinigay din sa naturang presentasyon ang unang special award na “darling of the press” na nakuha ng 28 years old na taga Maynila na si Candice Ramos.

Isa ang Miss Global Pageant na sinusuportahan ng bawat ahensya ng turismo sa buong mundo.

Ang koronasyon ng tatanghaling bagong Miss Global Philippines ay sa September 5, 2015 sa City of Dreams Paranaque City.

Tags: ,