Bibigyang prayoridad ng Commission on Elections ang mga kababaihan na magpaparehistro para sa darating na Sangguniang Kabataan o SK at regular elections.
Ito ay bilang pakikiisa ng COMELEC sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw.
Ayon sa Komisyon, mayroong special satellite registration team na aasiste sa mga magpaparehistrong babae simula kaninang alas otso y medya ng umaga hanggang ala singko ng hapon.
Nilinaw naman ng COMELEC na pwede pa rig magparehistro ang mga lalaki ngayong araw, pero inatasan nila ang election officers na magtalaga ng hiwalay na team na tututok sa mga babaeng nagpaparehistro.
Maliban sa pagpaparehistro, pwede ring mag-apply ng transfer at reactivation, correction of entries at iba pa.
Tags: COMELEC, mga kababaihan, prayoridad, registration