Mga kaanak at kapwa driver, humihiling ng hustisya sa pagkamatay ni Gerardo Maquidato Jr.

by Radyo La Verdad | November 6, 2017 (Monday) | 2628

Bumuhos ang pakikiramay ng mga kaibigan at kapwa driver ni Gerardo “Junjie” Maquidato Jr. sa libing nito kahapon. Si Junjie ay GRAB partner-driver na binaril ng nagpanggap na pasahero noong Oct. 28 habang namamasada ito.

Ang GRAB Philippines naman ay nangakong hindi titigil hangga’t hindi nahuhuli ang salarin at naglaan na ng P100,000 para sa makapagbibigay ng impormasyon sa suspek.

Ayon sa country head ng GRAB na si Bryan Cu, magkakaroon din sila ng mas mahigpit na seguridad pa ra sa kanilang mga partner-driver ngunit hindi pa ito idinitalye.

Nilinaw naman ng Transport Network Company na hindi nila polisiya ang paghingi ng mga driver-partner nila ng I.D. mula sa mga pasahero. Maaari din aniyang tumanggi ang kanilang mga GRAB driver kung hindi ang nag-book ang pinasakay sa kanila.

Samantala, mayroon na rin ngayong option ang mga GRAB partner driver na bigyan ng rating ang kanilang mga pasahero. Maaari ring ma-block ang mga ito kung hindi maayos makipagtransaksyon sa mga driver.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,