Mga inmate sa Baguio City Jail, bumida sa isinagawang sayaw kontra droga

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 3162

Mahigit animnapung detainees sa Baguio City Jail ang nakiisa sa isinagawang sayaw kontra-droga sa Baguio City.

Suot ang kanilang dilaw na damit at gwantes sabay-sabay sumayaw sa saliw ng musika ang mga preso.

Layon nito na ipakita ang kanilang suporta sa progrma ng pamahalaan kontra iligal na droga at mabigyang kasiyahan na rin ang mga nasa kulungan.

Ayon kay City Jail Warden Elvies Danglose ng Bureau of Jail Management and Penology Baguio City, ito ay isasagawa na buwan-buwan kasabay ng drug test sa mga detainees.

Tags: , ,