Pinag-aaaralan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs at ng Philippine Nuclear Research Institute o PNRI ang pagtaya sa lindol.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, sa ngayon ay wala pang teknolohiya na makapagpe-predict o makapagsasabi kung kailan mangyayari ang isang lindol.
Sublit isa sa mandato ng phivolcs ang alamin kung paano ito malalaman.
May mga instrumentong ginagamit ngayon ang ahensya gaya ng Global Positioning System o GPS upang subukan kung mapi-predict nila kung magkakaroon ng pagyanig.
Nilagyan na rin ng instrumentong Phivolcs ang valley fault system na posibleng lumikha ng magnitude 7.2 na lindol.
Ayon sa ahensya mahirap na mahulaan ang lindol ay pinag-aaralan nila kung paano ito magkakaroon ng pamamaraan gaya ng isang sakit na naglalabas ng sintomas.
Tags: Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Nuclear Research Institute, Phivolcs Director Renato Solidum