Mga estudyante sa Caraga Region na nalason sa kinaing kendi, isinailalim sa debriefing

by Radyo La Verdad | July 15, 2015 (Wednesday) | 943

UMALI
Nagsagawa ng psycho-socio debriefing ang Department of Education sa mga estudyante sa Caraga Region na biktima ng umano’y massive food poisoning.

Ito ay upang maialis ang takot at pangamba sa mga estudyante na naidulot ng insidente

Ayon kay Assistant Secretary Toni Umali, bukod sa mahigipt na monitoring sa medical condition ng mga bata, agad rin silang nakipag-ugnayan sa school guidance at DSWD Local Counselors upang pangunahan ang debriefing sa mga ito

Nakipagpulong rin sila sa mga magulang upang talakayin ang mga direktiba at paalala ukol sa tama at di tamang pagkain na maaaring mabili ng kanilang mga anak sa labas ng mga paaralan.

Muli namang ipinaunawa ng kagawaran ang kahalagan ng ipinatutupad na food safety sa mga eskwelahan.

Sa ilalim ng tatlong kautusan na inilabas ng DepEd, ito ang DepEd Memorandum Order Number 14 series of 2005, DepEd Order Number 8 series of 2007, at DepEd Order No. 52 series of 2008, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga outsider sa loob ng mga eskelahan.

Tags: