Inisa-isa na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga eskwelahan sa Metro Manila kung saan anila may aktibong recruitment ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay AFP Deputy chief of staff for operations BGen. Antonio Parlade, kabilang sa mga eskwelahan na ito ang:
UP Diliman
UP Manila
PUP Sta. Mesa
Ateneo
Dela Salle University
UST
Adamson
FEU
UE Recto
UE Caloocan
Adamson University
Emilio Aguinaldo College
Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology
San Beda College
Lyceum of the Philippines
University of Makati
Caloocan City College
University of Manila
Philippine Normal University
Dagdag pa ni Parlade, posibleng hindi alam ng mga school officials ang aktibidad sa kanilang paaralan na ginagamit ng mga komunista para ikondisyon ang utak ng mga mag-aaral para sumanib sa kilusan.
Patunay aniya dyan ang film showing sa ilang paaralan tungkol sa martial law years noong diktaduryang Marcos at ihihahambing ito kay Pang. Duterte bilang diktador. Ito aniya ang nag-uudyok sa mga estudyante para magalit sa pamahalaan at sumama sa mga kilos-protesta.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng AFP ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak upang hindi mahikayat ng komunistang grupo sa paglaban sa pamahalaan.
Sa pagdinig ng Senado sa panukalang pondo ng Deparment of National Defense (DND) noong Martes, unang sinabi ng AFP na may grupo ng mga estudyante ang pinaniniwalaang nakikipagsabwatan sa CPP-NPA kaugnay sa planong destabilisasyon laban sa Pangulo.
May hawak din anila silang dokumento hinggil sa umano’y madalas na pakikipag-conference ni Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison sa University of the Philippines.
( Asher Cadapan / UNTV Correspondent )
Tags: AFP, eskwelahan, NPA