Hinimok ni Senator Franklin Drilon ang Malakanyang na maisama ang mga empleyado ng mga Government Owned and Controlled Corporation o GOCC sa coverage ng Executive Order 201 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino the third noong nakaraang byernes
Ito ay para sa pagpapatupad ng first tranch o unang bahagi ng pagtataas sa sahod ng mga empleyado ng pamahalaan gayundin ang karagdagang benipisyo ng civilian, military at uniformed personnel
Ayon kay Senator Drilon, napapanahon at nararapat lamang na mabigyan din ng karagdagang sweldo ang mga empleyado ng GOCC dahil hindi mabibigatan ang gobyerno kung saan kukunin ang dagdag na sweldo para sa mga ito
Mayroon umanong sariling kita ang GOCC’s na maaaring pagkunan ng pondong gagamitin para sa salary increase ng mga empleyado nito.
(UNTV News)