Mga election officer sa Western Visayas, pinag-aralan na ang bagong Vote-Counting Machines na gagamitin sa halalan

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 1128

Vote-Counting-Machine
Tatlong araw ang training ng mga election officers ng Region VI o Western Visayas sa pag-operate ng Vote Counting Machine para sa halalan sa Mayo.

Ayon kay Region VI COMELEC Assistant Director Atty. Tomas Valera naging problema nila noong 2010 at 2013 elections ang paggamit sa PCOS machine lalo na ang pagtanggal sa sd card at transmission ng resulta ng mga boto.

Ang Vote-Counting Machine ay upgraded model ng pinalitan nito na Precinct Scan Optical Scanner O PCOS machine na ginamit sa nakalipas na halalan.

Tatagal hanggang bukas ang training ng mga election officer sa paggamit ng V-C-M.

Umaasa ang COMELEC na magiging ma-ayos ang darating na halalan sa bagong Vote Counting Machine na gagamitin.

(Lalaine Moreno/UNTV News)

Tags: , ,