Mga eksperto sa DOST, pinag- uusapan na ang posibleng pagpo-produce ng COVID-19 vaccines sa sa Pilipinas

by Erika Endraca | April 14, 2021 (Wednesday) | 2257

METRO MANILA – Batid ng health authorities na mahaba- haba pa ang laban kontra sa COVID-19 pandemic.

Hindi rin sapat ang supply ng COVID-19 vaccines na ginagawa ng mga manufacturer para sa mga bansa sa buong mundo ayon sa World Health Organization (WHO).

Kaya naman ang payo sa publiko ng who habang naghihintay ng proteksyon kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabakuna sundin pa rin ang minimum public health standards.

Ayon naman kay Department of Science and Technology (DOST) vaccine Expert Panel Head Dr Nina Gloriani, nagsimula nang pag- aralan ng mga eksperto sa bansa kung paano tayo makapagpo-produce ng sariling bakuna, lalo na ng COVID-19 vaccines.

Tinitingnan na aniya ng DOST task group on vaccine evaluation ang mga maaaring gawin upang makapagsimula na uli ang pilipinas sa paggawa ng mga sariling bakuna.

“Pinag- uusapan na hindi tayo pwedeng nasa mercy ng mga iyan na suppliers na kapag ayaw tayong bigyan edi wala tayo. We have to capacitate, build capacity for the Philippines na sana noon pa nga.. Pero we have to learn from all of these may timeline sila iyong mga iba nakita na nila na hindi lang for COVID but for other vaccines that could be produced here.” ani DOST VEP Head, Dr. Nina Gloriani .

Ayon pa kay Dr Gloriani, dahil sa kakulangan ng vaccine supply hindi naman maaaring maghintay ng matagal ang mga nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Tinitignan na rin aniya ng mga eksperto ang posibilidad ng pagggamit ng magkaibang bakuna para sa isang vaccinee o “mixing” ng vaccine brands

Ngun’t kailangan aniyang parehas ang uri ng COVID-19 vaccine sakaling ipatupad man ito sa bansa.

Ayon naman sa Food and Drug Administration (FDA), bukas ang Pilipinas sa tulong ng ibang bansa gaya ng serum institute of India upang mag-develop ng COVID-19 vaccines .

Nguni’t sa ngayon ay wala aniyang sapat na resources ang Pilipinas sa paggawa nito .

“At this time we don’t. We use to have a vaccine manufacturing program pero matagla na panahon na iyan, at this time we don’t and during this pandemic it has been, I think this is one of the realizations all vaccines kasi talaga in the Philippines are imported at wala tayong self- sufficiency when it comes to vaccines.” ani FDA Director General, Usec. Eric Domingo.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,