Mga eksperto sa Canada, nagtuturo ng kaalaman kaugnay ng medical marijuana

by Radyo La Verdad | November 27, 2017 (Monday) | 5785

Matapos na ilegalize ang medical marijuana, ang Durham College sa Oshawa, Ontario  ay nag-ooffer naman ng bagong klase na magtuturo ng kaalaman tungkol dito.

Dalawang araw ang klase na designed para sa mga taong gustong magtayo ng business kauganay ng medical marijuana. Kasama dito ang ethics and quality control at basic concepts tungkol sa paggamit ng medical cannabis.

Ayon sa ilang expert, dumadami na ang nagkakainteres sa medical use ng marijuana at maging sa business na ito.

Gayunman, patuloy ang pagbabantay ng pamahalaan upang huwag namang maabuso ang paggamit ng marijuana.

 

( Fatima Tumang / UNTV Correspondent )

Tags: , ,