Mga ebidensya na gagamitin vs CJ Sereno, galing umano sa mga empleyado ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | September 22, 2017 (Friday) | 3075

Kumpiyansa ang complainant na matibay ang pinanghahawakan niya na magpapatalsik sa punong mahistado dahil mismong mga empleyado umano ng Korte Suprema ang nagbibigay kay Atty. Larry Gadon ng mga dokumentong maaari niyang gamitin laban sa punong mahistrado ng Korte Suprema.

Si Gadon ang naghain ng impeachment complaint na dinidinig ngayon sa Kamara laban kay CJ Sereno. Sinabi pa ni Gadon na nakuha na niya noong isang araw ang orihinal na kopya ng personal data sheet ni Sereno. Ito aniya ang magpapatunay na dinoktor nito ang kanyang mga credentials para makapasok sa Korte Suprema.

Ilan pa sa mga orihinal na dokumentong mayroon ang abugado ay ang pagbili ni Sereno ng mga mamahaling sasakyan, hindi tamang paggastos sa pondo ng S.C.,  base sa COA report at ang kuwentiyonable umano nitong SALN.

Una nang sinabi ng tagapagsalita ni CJ Sereno sa programang Get it Straight with Daniel Razon na handa nitong harapin at pasinungalingan ang mga alegasyong nakasaad sa impeachment complaint

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,