Mga dokumentong hawak ng kanyang asawa, peke ayon kay Comelec Chair Bautista

by Radyo La Verdad | August 9, 2017 (Wednesday) | 1040

Muling sinagot ni Comelec Chairman Andres Bautista ang mga pahayag ng kanyang asawa. Kabilang na dito ang tungkol sa 260 million pesos na settlement na hinihingi nito.

 Papatunayan rin umano niya na peke ang mga dokumentong ipinakita ni Patricia Paz. Wala rin aniya siyang hawak na mahigit tatlumpung bank accounts na may malalaking halaga. Naniniwala rin itong si Atty. Lorna kapunan ang nasa likod ng tila demolition job laban sa kaniya.

Ayon sa poll chief, matagal na silang may hidwaan ngunit itinanggi nang idetalye pa ito. Sina Bautista at Kapunan ay nating magkatrabaho sa Philcomsat, POTC.

Sinusubukan naman ng UNTV News and Rescue na kunin ang panig ni Atty. Kapunan ngunit hindi pa ito sumasagot sa aming mga mensahe.

Samantala, inamin din ni Bautista may mga referral fees na tinanggap siya sa divina law office nguni’t walang kaugnayan sa kaniyang posisyon sa COMELEC.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,