Mga bumagsak na towing operator at personnel sa exam, bibigyan ulit ng pagkakataon ng MMDA

by Radyo La Verdad | June 3, 2016 (Friday) | 2238

MON_TOWING
Bibigyan ng pangalawang pagkakataon ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga towing operator at personnel na bumagsak sa ibinigay nilang pagsusulit.

Marami ang hindi nakapasa sa pagsusulit na itinakda sa 100% ang passing grade.

Lahat ng babagsak sa exam ay hindi na papayagan pa ng mmda na makapag-operate sa loob ng isang taon.

Marami naman ang nakiusap na pagbigyan sila subalit nanindigan ang MMDA na ang makakakuha lamang ng 100% ang siyang mabibigyan ng akreditasyon.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,