Mga biyahero na luluwas sa mga probinsya, dagsa na sa Araneta Bus terminal

by dennis | April 1, 2015 (Wednesday) | 1174
POLICE OFFICER ONE

Si “PO1 Magalang”, ang mascot ng Philippine National Police

Dagsa na ang mga pasahero sa Araneta Bus Terminal sa Cubao at inaasahang mas dadami pa ang mga biyaherong dadating mamayang hapon.

Kaninang umaga ay nag-inspeksyon ang mga pulis mula sa Police Community Relations Group ng Quezon City at Highway Patrol Group para siguruhing matiwasay ang magiging byahe ng mga pasahero dito.

Nagbigay din ng mga leaflet ang kapulisan na may lamang mga safety tips. Nagpadala rin ang PNP ng isang mascot na pinangalanang “Police Officer One Magalang” na layon umanong ipakita sa tao na ang mga pulis ay tunay na tapat at magalang.

Saglit lang ang naging inspeksyon pero may mga nakaantabay na pulis na mananatili sa terminal hanggang mamaya para maasikaso ang mga pasaherong nangangailangan ng tulong at mapanatili ang kaayusan sa lugar. (Darlene Basingan/UNTV Correspondent)