Mga bagong programa ng PCRG, nasampolan na sa programang Get it Straight with Daniel Razon

by Radyo La Verdad | October 4, 2017 (Wednesday) | 2006

Kahapon sa programang Get it Straight with Daniel Razon, ipinaliwanag ni PCRG Acting Director Rhodel Sermonia ang iba’t-ibang bagong public service program ng kanilang unit.

Isa dito ang programa ng PNP sa Radio La Verdad 1350 na pulis @ Ur Serbis, Aksyon agad!

Nasampolan kahapon ang programa ng magtanong ng live ang ilang residente ng barangay 28 Caloocan City kay PCRG Acting Director Sermonia.

Isa pa sa programa ng PCRG ay ang “pulis natin caravan”, “life after tokhang” at ang app alert.

Ang app alert ay isang mobile application upang mabilis na maka responde ang mga pulis sa isang crime scene. Katulong ng PCRG sa naturang proyekto, ang liga ng mga barangay sa Pilipinas.

Ang UNTV at PNP ay matagal ng mag-partner sa public service, kabilang sa mga serbisyo publiko na ito ay ang UNTV Cup, ang nalalapit na Songs for Heroes Concert at mga programa sa tv at radyo ng PNP.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,