Itinurn-over na ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang labing walong mobile van at tatlumpung motorsiklo na magagamit ng Cavite police sa mas mabilis na pagresponde sa krimen.
Ayon kay Cavite Governor Jesus Crispin Remulla, isa ang lalawigan sa may problema pagdating sa peace and order kaya naman malaking tulong sa kanila ang mga bagong sasakyan.
Samantala ay pinarangalan rin ni Chief PNP ang mga pulis na nasugatan sa isinagawang buy bust operation noong january 13 sa Barangay San Francisco, Gen. Trias, Cavite.
Ipineresenta rin ni Remulla kay Dela Rosa ang mga nasabat na mga iligal na baril at hinihinalang shabu noong kasagsagan ng Oplan Tokhang sa lalawigan.
(UNTV News)
Tags: itinurn-over ng PNP sa Cavite police, Mga bagong patrol vehicles at motorcycles