Metro Manila, nakahightened matapos ang magkasunod na pagpapasabog sa Sultan Kudarat

by Radyo La Verdad | September 4, 2018 (Tuesday) | 2859

Nakataas ngayon sa hightened alert status ang buong Metro Manila ayon sa National Capital Region Police Office.

Ito ay matapos ang magkasunod na pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Una ay noong ika-28 ng Agosto kung saan tatlo ang namatay at mahigit tatlumpo ang sugatan.

Sumunod naman ay noong linggo ng gabi kung saan dalawa ang namatay at labing dalawa ang sugatan.

Dahil dito, ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, mas paiigtingin pa nila ang crime prevention sa Metro Manila.

Ito ay sa kabila ng wala pang natatanggap na anomang banta ng seguridad sa NCR ang PNP.

Tags: , ,