Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, maagang nakaranas ng malakas na buhos ng ulan

by Radyo La Verdad | August 3, 2017 (Thursday) | 3550

Malakas na buhos ng ulan ang naranasan sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan dahil sa habagat na umiiral sa buong bansa.

Sa abiso ng pagasa alas 5:33 ng umaga, malakas na buhos ng ulan na mayroong kaakibat na malakas na hangin ang nararanasan Metro Manila, mga bayan ng Obando, Marilao, San Jose del Monte at Norzagaray sa Bulacan; Batangas City at Taysan, Batangas; Imus, Cavite City at Bacoor sa Cavite; at sa ilang bahagi ng Rizal.

Ayon sa PAGASA, ang lalawigan ng Quezon ay makararanas din ng malakas na pag-ulan. Una nang nagtaas ng yellow rainfall warning ang PAGASA sa Zambales at Bataan at dahil sa patuloy na buhos ng ulan.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa flashfloods na maaring idulot ng pag-ulan sa mga mabababang lugar. Sa weather forecast ng PAGASA, umiiral pa rin ang habagat sa buong bansa.

Ayon sa PAGASA, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan na may malakas na hangin ang mararanasan sa Metro Manila, Visayas, mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bico, Caraga, Northern mindanao, Davao, at Zamboanga Peninsula.

 

 

Tags: , ,

Pinakamahabang araw ngayong taon, mararanasan ngayong araw – PAGASA

by Radyo La Verdad | June 21, 2024 (Friday) | 3791

METRO MANILA – Inianunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan ngayong araw ang summer Solstice.

Ito ay isang uri ng astronomical event kung saan mararanasan ang pinakamahabang araw at pinaka-maiksing gabi.

Gayunman magkakaiba ang duration ng daylight sa iba’t ibang lugar buong mundo.

Gaya sa Metro Manila, ayon sa PAGASA nagsimulang sumikat ang araw kaninang 5:28am at lulubog ng 6:27pm.

Nangangahulugan ito na tatagal ng 13 oras ang daylight o ang liwanag ng araw.



Tags: ,

Panahon ng tag-ulan opisyal nang nagsimula – PAGASA

by Radyo La Verdad | May 30, 2024 (Thursday) | 6456

METRO MANILA – Inianunsyo na ng PAGASA ang pormal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, bunsod ng mga naranasang kalat-kalat na mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw, dagdag pa ang pagpasok ng bagyong Aghon at pag-iral ng habagat partikular na sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ay palatandaan na ito ng opisyal na pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Gayunman, asahan pa rin anila na may mga araw na hindi magkaroon ng mga pag-ulan o ang tinatawag na monsoon breaks.

Tags: ,

13 hanggang 16 na bagyo, posibleng pumasok sa bansa ngayong 2024 – PAGASA

by Radyo La Verdad | May 17, 2024 (Friday) | 8700

METRO MANILA – Inihayag ng State Weather Bureau PAGASA na nasa transition period na ang bansa sa tag-ulan o rainy season.

Dahil dito, inaasahan na sa darating na mga araw na mas magiging madalas na ang mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Climate Monitoring and Prediction Section Chief ng PAGASA na si Ana Liza Solis,  posibleng sa 3rd quarter ng taon papasok ang La Niña kasabay ng kasagsagan ng hanging habagat o southwest monsoon.

Kaya posibleng mararanasan ang malalakas na mga pag-ulan hanggang Disyembre.

Tags: ,

More News