Meralco, magpapatupad ng dagdag singil sa kuryente ngayong Nobyembre

by Radyo La Verdad | November 10, 2023 (Friday) | 4450

METRO MANILA – Magpapatupad na ng pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Nobyembre ang Meralco dahil sa umano’y tumaas na presyo ng generation at transmission charge na kasama sa binabayaran ng mga consumer.

Sa anunsyo ng Meralco tataas ng P0.23 per kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong buwan.

Nangangahulugan ito ng dagdag na P47 sa electric bill, para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour sa isang buwan.

P70 kung 300 kilowatt hour, P94 kung 400 kilowatt hour at dagdag na P117 kung umaabot ng 500 kilowatt hour ang konsumo.

Ayon sa Meralco, mahalaga ang ancillary charge upang masiguro ang back-up na supply na kuryente sakaling may biglaang bumigay na planta.

Tags: