Mentally disable na lalaki, patay sa pamamaril sa Caloocan

by Radyo La Verdad | July 14, 2016 (Thursday) | 1069

PATAY
Patay ang isa pang lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Pusit Ali Street Brgy. 12 Caloocan City pasado ala una kaninang madaling araw.

Ayon sa bayaw ng biktima, may sakit ito sa pag-iisip at laging may nakakaaway sa lugar.

Ito anya siguro ang dahilan kung bakit pinatay ang biktima.

Ayon naman sa ex-o ng barangay naka bonet ang riding in tandem na bumaril sa suspek.

Sumaludo pa anya sa kanya ang isa sa mga ito at saka pinaputukan ang biktima.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng otoridad ang motibo ng mga pamamaslang.

(Macky Libradilla/UNTV Radio)

Tags: