Mental health bill, inihain sa Senado

by Radyo La Verdad | October 6, 2016 (Thursday) | 1138

sen-hontiveros
Isa sa limang adult Filipino ang mayroong mental o psychiatric disorder kabilang na ang depression, schizophrena, at drug addiction batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Labis naman itong ikinababahala ni Sen. Risa Hontiveros kaya kanina ay inihain na niya sa Senado ang mental health bill.

Nilalayon ng panukalang batas na magkaroon ng psychiatric and neurologic services sa regional, provincial, at iba’t-ibang tertiary level hospitals sa bansa.

Nakapaloob din dito ang pagbibigay ng non-medical alternatives, at ang pagsasama ng mental health education sa curriculum sa paaralan.

Tags: ,