Menor de edad na naaksidente sa Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 21, 2017 (Tuesday) | 2519


Nadatnan ng UNTV News and Rescue Team na nakaupo sa gilid ng kalsada ang driver ng motorsiklo na bumangga sa isang kotse sa national highway ng Barangay Landayan San Pedro, Laguna pasado alas dyes kagabi.

Kinilala ang biktima na si Aaron Sagensin 17 anyos.

Kahit walang suot na helmet at safety gear ang biktima, gasgas sa magkabilang hita at kanang braso lamang ang tinamo nito.

Ayon sa San Pedro Police mabilis ang pagpapatakbo ng motorsiklo kaya ito bumangga sa kotse.

Agad namang nilapatan ng UNTV News and Rescue Team ng first aid ang biktima.

Pagkatapos ay inihatid ito ng grupo sa Amante Hospital para sa karagdagang atensyong medikal.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,