Memorandum Circular para hikayatin ang mga LGU na alisin na ang import ban sa mga produktong baboy mula Luzon, ilalabas ng DILG

by Erika Endraca | October 16, 2019 (Wednesday) | 11058

METRO MANILA, Philippines – Maglalabas ng Memorandum Circular ang Department of Interior And Local Government DILG upang hikayatin ang mga lokal na pamahalaan na alisin na ang ban sa pagpasok ng mga produktong baboy sa kanikanilang lugar.

Ayon kay USec. Jonathan Malaya, kailangan lamang na dumaan sa tamang proseso ang produkto at may kaukulang dokumento.

Ayon sa Philippine Association Of Meat Processors Incorporated (PAMPI), nasa 56 na lalawigan na ang nagpapatupad ng ban ng mga pork products mula sa Luzon.

Tinatayang aabot anila sa P55 B ang malulugi sa kanilang sa  1-taon kung hindi mababago ang patakaran ng mga lokal na pamahalaan.

Ligtas naman anilang kanin ang kanilang mga produkto at hindi ito magiging paraan para kumalat ang African Swine Fever (ASF) dahil dumaan ito sa proseso at init na mamamatay ang virus.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,