Mayor Sara Duterte, tatakbo muli bilang alkalde ng Davao City

by Radyo La Verdad | October 16, 2018 (Tuesday) | 2675

Pinabulaanan ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang mga spekulasyon na tatakbo siya bilang senador.

Ito ay matapos na maghain ito kahapon ng certificate of candidacy (CO) sa Comelec Davao City bilang alkalde pa rin ng lungsod.

Maghapon ding sinamahan ng alkalde ang mga kandidato na nasa ilalim ng partidong hugpong ng pagbabago na naghain ng kani-kanilang COC mula sa iba’t-ibang distrito ng Davao Region.

Dalawa sa ngayon ang pinagpipilian ng alkalde na maging bise nito, kabilang na ang kanyang kapatid na si Sebastian Duterte.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,