Mayor Duterte, naghain na ng COC sa pagka-alkalde ng Davao City

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 955

duterte coc
Naghain na ng certificate of candidacy si Mayor Rodrigo Duterte ngunit hindi sa pagka-pangulo kundi para sa pagka-alkalde ng Davao City.

Taliwas sa kahilingan ng mga supporter nito, mas gusto ni Duterte na ma-reelect bilang mayor ng Davao City kaysa pamunuan ang bansa.

Pasado alas dos ng hapon kahapon nang ihain ng kanyang chief of staff na si Bong Go ang CoC ni Mayor Duterte.

Suot pa ni Go ang puting shirt na nakasulat na umano’y pananalita ni Duterte na nagsasabing “No is no. Sinabi kong hindi ako tatakbo, ang titigas ng ulo ninyo.”

Nauna nang naglabas ng official statement si Duterte na nagsasabing hindi ito tatakbo sa pagkapangulo.

Tags: , ,