Maynilad, magpapaikot ng mga water tank sa mga lugar na apektado ng water interruption

by dennis | August 10, 2015 (Monday) | 1340
File photo

File photo

Magpapakalat ng 35 water tanks ang Maynilad Water Services Inc. para sa mga lugar na maapektuhan ng water interruption na magsisimula ngayong araw, Agosto 10, 2015.

Magsisimula ang water interruption mamayang ala 1:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi, Huwebes, Agosto 13.

Matapos ibalik ang suplay ng tubig, muling magkakaroon ng water interruption sa Agosto 17, mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-3:00 ng hapon, Agosto 18.

Kasama sa mga lugar na maapektuhan ng water interruption ay ang ilang mga barangay sa Caloocan, Maynila, Makati, Muntinlupa, Las Piñas, Pasay, Parañaque, Cavite City, Bacoor City, Imus City, at mga bayan ng Kawit, Rosario at Noveleta sa Cavite.

Ayon sa pamunuan ng Maynilad, ang water interruption ay bunsod ng gagawing realignment ng kanilang main pipe na apektado ng isang proyekto ng Department of Public Works and Highways sa Tondo, Manila.