Maute group, patuloy na nagpapalakas ng pwersa – AFP

by Radyo La Verdad | March 7, 2018 (Wednesday) | 10897

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na muling nagpapalakas ng pwersa ang mga nakatakas na miyembro ng Maute ISIS group sa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Beinvenido Datuin, patuloy ang pagre-recruit at re-training ng mga terorista.

Bineberipika rin ng AFP at Philippine National Police (PNP) ang kumakalat na text message kaugnay sa umano’y planong pagpapasabog ng mga terorista sa anim na lungsod ng bansa.

Nakapaloob rin ang impormasyon sa isang nagleak na memo na umano’y galing sa PNP region .

Biniberipika rin ng security forces ang impormasyon na isang Abu Dar ang pumalit kay Isnilon Hapilon bilang emir ng ISIS sa Southeast Asia.

Isa si Abu Dar sa mga matataas na lider ng Maute group na nakatakas sa kasagsagan ng Marawi siege.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,