Matinding lamig, muling mararanasan sa Estados Unidos ngayong Pebrero

by Radyo La Verdad | January 29, 2018 (Monday) | 6080

Pinaghahanda nang muli ang mga residente sa Midwest at Northeast ng United States dahil sa muling pagbabalik ng polar vortex sa mga lugar na ito sa unang mga araw ng Pebrero.

Ayon sa forecasters, ipinakikita ng Global Forecast System o GFS at European model ng weather forecasting na mayroong nabubuong high pressure sa middle and upper atmosphere sa estado ng Alaska sa darating na dalawang linggo at inaasahang aabot ito sa Northern Pacific Area at sa Arctic region.

Dahil sa high pressure na ito, babalik ang warmer temperatures sa Alaska, na nagkaroon na ng unusually warm winter season.

Ang high pressures ay makakaapekto sa freezing air stream na kalimitang nasa Northern areas ng Canada at Alaska upang bumaba hanggang sa Northern States ng America sa unang linggo ng Pebrero na posibleng magdulot ng polar vortex o deep freeze sa minneapolis, Chicago hanggang Newyork.

Ayon din sa weather forecasts, iniaakyat ng La Niña phenomenon na nararanasan ngayon dito sa California ang mainit na hangin paakyat sa Arctic region na magdudulot sa freezing air na bumaba hanggang sa Southern parts ng United States.

Matatandaan noong 2013 to 2014 unang narinig ang terminong polar vortex kung saan umaabot ng hanggang negative 30 degrees celsius ang temperatura sa Illinois at New York at nagpa-freeze sa great lakes sa Illinois.

 

( Beverly Saison / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,