Matandang lalaki at kanyang onse anyos na apo, patay matapos masabugan ng hinihinalang granada sa Caloocan City

by Radyo La Verdad | April 19, 2016 (Tuesday) | 999

BENEDICT_SUMABOG
Dead on the spot ang isang matandang lalaki habang dead on arrival naman sa ospital ang kanyang apong lalaki matapos masabugan ng hinihinalang granada sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 56 Caloocan City pasado alas otso kagabi.

Kinilala ang mga biktima ma sina Jerry Dasilio, 76 anyos at Rafael Velasquez, 11 anyos.

Ayon sa kwento ng anak ni Dasilio, nasa labas siya ng makarinig siya makarinig siya ng malakas na pagsabog sa loob ng bahay, pagpasok niya nakita na niyang duguan ang maglolo.

Hindi niya din alam na meron pampasabog na itinatago ang kanyang ama.

Agad namang rumesponde sa crime scene ang mga operatiba ng Caloocan City Explosive and Ordnance Division, SOCO at Special Weapon and Tactics o SWAT upang kordonan at imbestigahan ang pangyari.

Nakarecover ang Caloocan EOD ng mga piraso ng posibleng bahagi ng hinihinalang granada.

Samantala, hindi naniniwala si Catherine na sinadya ng kanyang tatay ang nangyari.

Patuloy na ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang matukoy kung may foul play sa nangyari.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,