Mataas na satisfaction rating ni Pangulong Aquino, makakatulong sa ieenderso nitong kandidato sa 2016

by Radyo La Verdad | June 19, 2015 (Friday) | 765

SEC EDWIN LACIERDA
Malaking tulong sa ieendorsong presidential bet ni Pangulong Aquino ang pagtaas ng Net Satisfaction rating nito base sa latest Social Weather Station o Sws survey.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ang mataas na resulta ay nagbabadyang magpapataas sa endorsement power nito para sa mapipiling standard bearer sa 2016 Election.

Dagdag pa ni Lacierda, ang resulta ng naturang survey ay nagpapakita lang na maraming Pilipino ang patuloy na sumusuporta para maipagpatuloy ang tuwid na daan ng pamahalaan.

Batay sa SWS survey, Nakakuha ng Positive 30 satisfaction rating ang Pangulo mula sa positive 11 noong marso.

Nakasaad sa naturang survey na 57 % Sa 1,200 respondents na tinanong noong nakaraang June 5 hanggang june 8 ay nasisiyahan sa trabaho ng Pangulo.

Inaasahan naman na pagkatapos ng State of the Nation Address ni Pangulong Aquino sa July 27 ay iaanunsiyo na nito ang kaniyang ieendorsong kandidato para sa 2016 presidential election.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)