Masbate, inirekomendang tanggalin na sa listahan ng election watchlist

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 1866

ALLAN_MARQUEZ-JR.
Irerekomenda ng Bicol Regional Police sa pamunuan ng Philippine National Police na alisin na sa election watchlist ang Masbate province.

Ayon kay Police Regional Director Chief Supt. Augusto Marquez Jr., naging mapayapa sa kabuuan at wala namang naitalang election-related crime sa probinsya sa nakaraang halalan.

Ayon kay General Marquez, naging posible ang pagpapatupad ng orderly elections sa lalawigan sa tulong na rin ng mga kandidato at komunidad.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,