Mas pagpapaigting ng seguridad sa mga paliparan at terminal sa bansa, ipinag utos ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | March 23, 2016 (Wednesday) | 2226

PNOYNOFAULT2 031315
Ipinag-utos ni Pangulong Benigno Aquino the third sa Department of Transportation and Communications ang pagpapatupad ng mas pinaigting na seguridad sa mga paliparan, bus terminal at sea port sa bansa pagkatapos ng magkahiwalay na terror attack sa Brussels, Belgium kahapon.

Ayon sa inilabas na pahayag ni Presidential Communication Operations Secretary Herminio Coloma Jr. mayroon ng mga ipinatutupad na seguridad sa mga transport terminal gaya ng checkpoint, baggage xray screening at inspection sa lahat ng mga bagay o tao na pumapasok sa mga terminal.

Dagdag pa ni Sec. Coloma, ayon kay Sec. Joseph Emilio Abaya ay nasa heightened security vigilance ang lahat ng concerned DOTC agencies para matiyak ang seguridad ng riding public.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,