Mas murang school supplies, mabibili sa diskwento caravan balik-eskwela edition ng DTI

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 3583

DTI
Binuksan na ng Department of Trade and Industry ang diskwento-caravan balik eskwela edition sa trade and industry building sa Makati City.

Makikita sa diskwento caravan ang school supplies na mabibili sa mas murang halaga kumpara sa mga mall at kilalang bookstores sa Metro Manila.

Katuwang ng DTI sa proyektong ito ang ilang negosyante na naglalayong tumulong sa mga estudyante at magulang.

Bukod sa mga school supply, makabibilirin sa diskwento caravan ng mga school uniform, shirts, sapatos at ilang pang gamit pang-eskwela gaya ng lunch box at pati mga pagkaing pambaon.

Ang naturang caravan ay tatagal hanggang May 27 bago ang pagbubukas ng klase sa June 13.

Nakatakda ding magbukas ng diskwento caravan ang DTI sa Taguig, Manila at Quezon City area.

(Aiko Miguel/UNTV NEWS)

Tags: ,