Inaasahan ngayong linggo angpagdami ng mga namimili at namamasyal sa mga mall bunsod ng papalapit na holiday season.
Kaya naman muling nagbabala ang Inter-Agency Council for Traffic o I-Act sa lalo pang pagbigat ng traffic sa EDSA at mga lansangan na malapit sa malls.
Kaugnay nito ay pinaiiwasan na ng ahensya sa mga motorista ang ilang kalsada kabilang na ang Roxas Blvd, Osmeña Blvd at A.Bonifacio na ruta ng malalaking delivery trucks.
Pinaiiwasan na rin ang Divisoria Area, Jose Abad Santos at Plaza Ruiz dahil sa pagdayo ng holiday shoppers.
Mabigat na traffic rin ang maaaring maranasan sa Blumentritt at Aurora Boulevard, V-Mapa Extension at Ramon Magsaysay Boulevard dahil daanan ito ng mga sasakyan mula sa Quezon City at San Juan area.
Payo ng I-Act sa publiko na planuhing mabuti ang lakad at humanap ng mga alternatibong ruta upang makaiwas sa abala.
Tags: mararanasan na ngayong linggo ayon sa I-Act, Mas mabigat na trapiko dahil sa holiday rush