Mas maagang holiday break ng mga mag-aaral sa Disyembre, inanunsyo na ng DepEd

by Radyo La Verdad | November 28, 2018 (Wednesday) | 13223

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ngayong araw na mas maaga na ang magiging holiday break ng mga mag-aaral sa darating na Disyembre.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, minarapat nilang itong itakda sa ika-15 ng Disyembre, mula sa orihinal na petsa ng holiday break na Disyembre 22.

Katuwiran ng kalihim, pinapahalagahan ng DepEd ang importansya ng paggugol ng quality time kasama ang pamilya.

Sinisiguro ng DepEd na kayang habulin ng mga guro ang pagtuturo ng mga aralin na dapat matapos ngayong 2018.

Nakatakda naman ang pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan sa ika-2 ng Enero 2019.

 

Tags: , ,