Iminungkahi ni Senator Grace Poe ang chairman ng Senate Committee on Public Services na gawing mas maaga ang bakasyon ng mga estudyante ngayong holiday season.
Ayon sa sendora, layon nito na maibsan ang inaasahang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong holiday season, na dala ng mas maraming volume ng mga sasakyan na magtutungo sa mga mall at iba pang mga pasyalan.
Sakaling maaprubahan, maaari naman aniyang i-extend na lamang sa mga susunod na buwan ang school days ng mga estudyante.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)
Tags: iminungkahi upang maibsan ang traffic congestion, Mas maagang bakasyon, mga estudyante ngayong holiday season