Ipinaa-aresto ng Manila Regional Trial Court sina Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at ang Chinese national na si Yan Yi Shou.
Sa inilabas na ruling, sinabi ni Presiding Judge Daniel Villanueva ng Manila RTC Branch 49 na nakakita sila ng probable cause laban sa dalawa.
Noong Setyembre inakusahan ng Department of Justice sina Marcelino at Shou ng paglabag sa Section 11 o Possession of Dangerous Drugs at Article 2 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Naaresto ang dating PDEA agent at ang Chinese companion nito sa isinagawang drug raid sa Sampaloc, Manila noong Enero kung saan nakuha sa kanila ang P380 million na halaga ng shabu.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: ipinaa-aresto ng Manila RTC, Marine Lt. Col. Marcelino at Chinese companion