Nagpunta naman ang Liberal Party sa Camarines Sur na balwarte ng vice presidentiable nito na si Representative Leni Robredo.
Kasama ang Roxas-Robredo tandem, nakipagpulong si Pangulong Benigno Aquino The Third sa mga opisyal ng lalawigan.
Unang pinuntahan ng mga ito ang Ragay at Pili Camarines Sur upang pangunahan ang pagbubukas ng mga national projects ng Administrasyong Aquino.
Bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan, nagpapasalamat si robredo sa mga proyekto ng pamahalaan para sa Bicolano.