Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na kayang i-rehabilitate ang Metro Manila, at kung hindi aniya masosolusyunan ang congestion, magiging dead city ito pagkatapos ng 25 taon.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang pangunahan nito ang unang kapampangan food festival sa Mabalacat, Pampanga kahapon.
Dagdag pa ng punong ehekutibo, kinakailangang i-expand ang mga highways at i-develop ang mass transport system. Ngunit dapat na aniyang limitahan ang pagtatayo ng mga karagdagang pabrika.
Kinakailangan na ring i-develop ang ibang lugar sa bansa na may potential maging industrialized city tulad ng Clark, Pampanga.
( Rosaly Coz / UNTV Correspondent )
Tags: dead city, manila, Pangulong Duterte