Kinumpirma ni incoming Department of Transportation and Communications Secretary Arthur Tugade ang planong pagpapagawa ng rail system mula Metro Manila hanggang Clark sa Pampanga.
Ayon kay Tugade, isang Chinese company ang nag-alok kay incoming President Rodrigo Duterte na kayang makapag-tayo ng railways system sa loob ng dalawang taon.
Nag-iisip na rin aniya sila kung paano tutugunan ang magiging problema sa right of way na karaniwan na sa mga ganitong uri ng proyekto.
(Mon Jocson/UNTV Radio)
Tags: incoming Department of Transportation and Communications Secretary Arthur Tugade, Manila-Clark Railways