METRO MANILA – Muling naghain ng fare hike petition ang management ng MRT-3 nitong Lunes July 3.
Nakasaad sa petisyon ang hiling na itaas sa P13.29 ang boarding fee.
Habang dagdag na P1.21 naman sa kada susunod na kilometro ng biyahe.
Sakaling maaprubahan, magiging P17 na ang minimum na pamasahe sa MRT-3, mula sa kasalukuyang P13.
Habang P34 naman ang maximum fare mula sa kasalukuyang P28.
Ayon sa Department of Transportation (DOTR), posibleng abutin pa ng 2 buwan bago madesisyunan ng board kung aaprubahan ang hiling na dagdag-pasahe sa MRT.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com