Malamig na panahon, patuloy na mararanasan hanggang sa Pebrero – PAGASA

by Jeck Deocampo | February 1, 2019 (Friday) | 23478

BAGUIO CITY, Philippines- Patuloy na mararanasan ang malamig na klima sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa Baguio City hanggang sa Pebrero ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Noong nakaraang Martes ay umabot sa 9 degrees Celsius ang naitalang pinakamalamig na klima sa Baguio City. Kaya naman maraming turista ang sinasamantalang umakyat sa Summer Capital sa bansa para maranasan ang malamig na klima sa lugar.

Mararanasan ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio mula alas-kwatro ng madaling araw hanggang alas-siyete ng umaga, pagsapit ng gabi umaabot sa 15 hanggang 17 degrees Celcius ang temperatura.

Paliwanag ni Engineer Aljon Tamondong, weather observer ng PAGASA, “Expect natin na sa February, mas malamig tayo kasi mas active normally mas active ‘yung northeast monsoon natin kapag February. Tulad last year, naranasan natin ang pinakamababang temperature (na) 7.3 degrees Celcius.”

Tags: , , , , , ,