Malaking bahagi ng bansa, apektado ng ITCZ

by Radyo La Verdad | November 6, 2018 (Tuesday) | 2519

Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Visayas, Mindanao at Palawan dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa PAGASA, posible ito magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa lakas ng pag-ulan na maaaring maranasan sa mga nasabing lugar.

Good weather naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa subalit may posibilidad naman ng pagkakaroon ng biglaang pag-ulan o thunderstorms.

Wala namang namamataan na panibagong bagyo o LPA sa Philippine area of responsibility (PAR), habang sa weekend naman ay posibleng lumakas ang epekto ng amihan.

 

Tags: , ,