Malacañang, nanindigang iginigiit na ng Duterte administration ang arbitral ruling sa usapin ng territorial dispute sa West Philippine sea.

by Erika Endraca | April 16, 2019 (Tuesday) | 22241

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng palasyo ang ulat na isinasantabi ng Duterte administration ang arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas kontra China sa usapin ng territorial dispute sa West Philippine sea.

Nang magbigay aniya si pangulong rodrigo duterte nang pahayag sa china na oras na may masaktan o mapahamak na pilipino dahil sa pananatili ng chinese vessels malapit sa mga teritoryo ng bansa, gagawa siya ng mas matinding hakbang, pag-gigiit na ito sa ruling ng un tribunal.

Pumabor sa Pilipinas ang ruling ng arbitral tribunal sa ilalim ng united nations convention on the law of the sea sa the hague sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China noong 2013.

“Efectively in his previous statement earlier, when he said do not touch our property and if you do any harm to our soliders, we will respond in kind, that effectively has already made a very strong assertion of sovereignty and statement relative to arbitral ruling” ani Presidential spokesperson & chief presidential legal counsel Sec. Salvador panelo.

Ayon pa presidential spokesperson panelo, kahit anong oras, maaaring igiit ng pilipinas ang arbitral ruling sa china. At kahit di aniya naniniwala ang china sa arbitral ruling, dapat pa rin nila itong igalang.S

“So we feel that we have a judgement, a judgement which habe a stamp of permanence, it cannot be taken from us, and therefore they should respect it even if they do not believe in it.” ani Presidential spokesperson & chief presidential legal counsel .

Hinihintay naman ng duterte administration ang pagtugon ng china sa inihaing diplomatic protest ng bansa hinggil sa presensya ng mga chinese vessel malapit sa pag-asa island.

Noong nakalipas na linggo, nanindigan ang china na sa kanila ang spratly islands at may sapat silang historical at legal basis.

Samantala, posible namang mabuksan ang usapin hinggil sa territorial dispute sa west philippine sea sa muling pagbisita ni pangulong duterte sa china para sa belt and road forum.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,