Malacañang, nanindigan na hindi kwestyonable ang SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | April 9, 2019 (Tuesday) | 2907

Nanindigan ang Malacañang na hindi kwestyonable ang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), lumubo umano ang net worth ng pangulo at ng tatlong anak niya.

Hindi rin umano nakarehistro ang law firms ng ilang miyembro ng pamilya at di rin nakasaad sa saln ang shares nila sa ilang kumpanya.

Ayon naman kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ang SALN copy ng PCIJ ay naisumite bago pa maupo sa pwesto si pangulong duterte at hindi hawak ng Office of the president.

Samantala, nanindigan din ang opisyal na di magtatagumpay ang tangka ng ilang grupo na sirain ang imahe ng punong ehekutibo dahil wala itong bahid ng korupsyon.

“Kung di niya dineclare, that’s the time you should be explaining and you should be prosecuted for not putting in the saln. He already explained, he said whatever money he has, it came from the mother who was very active when she was alive” pahayag ni Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

(Rosalie Cos | Untv News)

Tags: ,