Malacañang, kinumpirmang di na normal ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Duterte

by Erika Endraca | November 18, 2019 (Monday) | 3672

METRO MANILA – Kinumpirma ng Malacañang na hindi na normal ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, dahil sa katandaan, marami nang sakit o karamdaman ang Punong Ehekutibo.

Gayunman, hindi umano ito nakakahadlang dahil tuloy pa rin ang Presidential activities nito at nagagawa pa rin niyang maayos ang kanyang trabaho.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,